Calendar
Provincial
Gov. Vi dinalaw ng PRO 4A chief
Jojo Cesar Magsombol
Aug 4, 2026
224
Views

BATANGAS CITY–Nag-courtesy call si PBGen. Dominic Baccay, director ng Police Regional Office (PRO) 4A, kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto kamakailan sa Batangas provincial capitol sa Brgy. Kumintang ibaba sa lungsod na ito.
Layunin ng pagbisita na paigtingin ang koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) at ng lokal na pamahalaan bilang magkatuwang sa pagtiyak ng seguridad ng mga Batangueño.
Ayon sa hepe ng PRO 4A, ang inisyatibong ito ay aligned sa Focused Agenda ni PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., na nagbibigay-diin sa pagpapatatag ng community support.
Sa pamamagitan ng mas pinalakas na tambalan ng pulisya at ng kapitolyo, inaasahang mas magiging mabilis ang mga programa laban sa kriminalidad, ayon sa PRO 4A.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

