Calendar
Libreng shuttle para sa mga manonood ng 2023 FIBA World Cup
Mayroong shuttle na libreng masasakyan ng mga manonood ng opening ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas nasa 400 na 49-seater bus ang magbibigay ng libreng sakay patungo sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ang mga bus ay masasakyan sa PITX Bus Terminal, Mall of Asia Arena, One Ayala Bus Terminal, BGC Market Market Bus Terminal, SM Megamall, Araneta City, Trinoma, SM North EDSA, Cloverleaf Ayala Mall Bus Terminal, SM Baliuag, SM Pampanga, at SM Clark.
Ang mga bus ay aalis kada oras simula alas-11 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Target ng SBP na lagpasan ang rekord ng may pinakamaraming nanood ng opening ng FIBA World Cup na nasa 32,616.
Sa Agosto 25 ay mayroong laban ang Angola at Italy na magsisimula nga alas-4 ng hapon.
Alas-8 ng gabi naman ang laban ng Pilipinas at Dominican Republic.
Ang Agosto 25 ay idineklarang walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa mga paaralan sa Metro Manila at Bulacan.