MPBL Sarangani-Marikina game sa MPBL.

Sarangani inilubog ang Marikina

105 Views

PINADAPA ng Sarangani Marlins ang Marikina Shoemasters, 70-67, sa tulong ng 26-point, 6-rebound, 3-steal effort ni Ryan Isaac Sual sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Caloocan Sports Complex.

Ang iba pang mga Sarangani players na nakatulong para sa kanilang ikatlong panalo sa 10 laro ay sina Charles Callano at King Destacamento.

Si Callano ay nagsumite ng 13 points, five assists at three rebounds habang si Destacamento ay nagtala ng nine points at 11 rebounds.

Nalubog pa ang Marikina sa 1-9 record sa kabila ng 16-point, 8-steal, 4-assist, 3-rebound output ni Ahron Estacio.

Nakatakdang dumayo ang MPBL sa Ynares Sports Arena in Pasig na kng saan magtutuos ang Nueva Ecija at Muntinlupa simula 4 p.m., Bulacan at Bacolod sa 6 p.m.at Bataan at Batangas at 8 p.m.

Ang 29-team tournament, na nahahati sa dalawang division, ay itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao sa tulong ni Commissioner Kenneth Duremdes.

The scores:

Sarangani (70) – Sual 26, Callano 13, Destacamento 9, Madayag 6, Clarino 6, San Felipe 5, Alves 5, Galang 0, Joaquin 0, Dacara 0, Kawaamura 0, Diputado 0, Jumao-as 0, Roque 0, Oftana 0.

Marikina (67) – Estacio 16, De Liano 8, Tan 8, Pili 7, Casajeros 7, Escoto 6, Igliane 4, Castellano 3, Mabigat 2, Zabale 2, Evangelista 2, Fontanilla 2, Mosqueda 0.

Quarterscores: 17-12, 32-24, 49-46, 70-67.