Frasco

Frasco at Gov. Gwen Garcia pinangunahan ang oath taking ng mga bagong kasapi ng One Cebu Party

Mar Rodriguez Jul 27, 2024
66 Views

Frasco1Frasco2Frasco3𝗧𝗜𝗡𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗼𝘀𝘁𝗲𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗮𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝗿𝗮𝗼𝘀 𝗻𝗴 “𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟰” 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗻𝘂𝗻𝗱𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗼𝗮𝘁𝗵 𝘁𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗽𝗶 𝗻𝗴 𝗢𝗻𝗲 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆.

Pinangunahan nina Frasco at Cebu Gov. Gwendolyn “Gwen” Garcia ang oath taking o panunumpa ng mga opisyal mula sa bayan ng Compostela.

Kasunod naman nito ang pagpapasalamat ng House Deputy Speaker para sa lahat ng mga opisyal na piniling mapabilang sa One Cebu Party sa pagsasabing tama aniya ang naging desisyon ng mga nasabing town officials.

Ayon kay Frasco, hindi nagkamali ang mga town officials sa landas na kanilang pinili para mapabilang sila sa One Cebu Party sapagkat ito aniya ang layunin ni Gov. Garcia, ang makapag-hatid ng de-kalidad na serbisyo para sa mga Cebuano.

Sabi pa ng kongresista na ito rin aniya ang layunin ng One Cebu Party: Sg makapag-bigay ng hindi matatawarang serbisyo o paglilingkod sa pamamagitan ng mga programa at proyekto na magbibigay ng napakalaking pakinabang.