DA

PBBM sa DA: Soil testing centers sa bansa dagdagan

Chona Yu Aug 15, 2024
44 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture na gawing mas accessible ang soil testing sa buong bansa.

Dismayado si Pangulong Marcos na kulang ang soil testing centers sa Pilipinas.

“Kulang na kulang tayo sa soil analysis. We cannot tell the farmers how much fertilizers to use. We cannot give them any advice because we don’t know ourselves what the condition of the soil is,” sabi ni Pangulong Marcos sa pulong sa Malakanyang.

Inirekomenda ng Department of Agriculture kay Pangulong Marcos na magsagawa ng soil mapping at agricultural liming para mapalawak pa ang sugar industry.

“That (soil mapping) actually applies to all crops,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, kinakailangan na mayroong isang soil testing center sa bawat rehiyon.