Pagpapa-freeze ng eggs ibinalandra ni Carla
Mar 30, 2025
Mavy natuwa sa paglabas ni Ashley
Mar 30, 2025
May pinagdadaanan sa personal life
Mar 30, 2025
Motor ng pumasok sa motel kinana, kumana nasilo
Mar 30, 2025
Calendar

Provincial
Kinapon na aso, pusa sa GenTri umabot ng 155
Dennis Abrina
Aug 18, 2024
169
Views
GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Umabot sa 155 na mga pet na aso at pusa ang kinapon sa syudad na ito noong Linggo sa Animal Pound Center sa Brgy. Pasong Kawayan 2.
Pinangunahan ni Dr. Gloria Digma ng General Trias City Veterinary Office ang libreng pagkakapon katuwang ang Cavite State U at Calabarzon Veterinary Center na sinuportahan ni Mayor Luis Ferrer IV.
Layunin ng programa na maiwasan ang pagdami ng stray animals na gumagala sa lugar at mapigilan din ang pagdami ng mga alagang hayop ng hindi inaasahan, ayon sa doktor.
Bukod sa pagkakapon, patuloy ang anti-rabies drive ng tanggapan sa 33 barangays para sa proteksyon ng mamamayan laban sa rabies.
Umaabot sa mahigit 1,000 mga alagang aso at pusa ang nababakunahan buwan-buwan sa Gen. Trias.
Vilma, Lucky nag-rally sa Batangas City
Mar 30, 2025
2 todas sa eroplanong nag-crash
Mar 30, 2025
P3.7M na shabu nasamsam sa bebot na suspek na tulak
Mar 30, 2025
ROLL IN
Mar 30, 2025
Vendor niratrat habang tulog
Mar 30, 2025