Frasco Sina Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Tubungan Mayor Roquito G. Tacsagon sa groundbreaking ng Tourist Rest Area (TRA) sa Brgy. Igpaho, Tubungan.

Sec. Frasco, Mayor Tacsagon pinangunahan groundbreaking na 1st TRA sa Iloilo

Jon-jon Reyes Aug 24, 2024
29 Views

SINA Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Tubungan Mayor Roquito Tacsagon ang nanguna noong Biyernes sa groundbreaking ng Tourist Rest Area (TRA) sa Brgy. Igpaho, Tubungan, ang pinakaunang TRA sa Iloilo.

Itatayo sa Tubungan ang TRA at napakalapit sa Baldan View Deck sa Tourism Road Infrastructure Project (TRIP).

Dinisenyo ang proyekto para sa mga manlalakbay na nakikibahagi sa mga sikat na outdoor activity sa lugar tulad ng trekking, camping at pagbibisikleta.

Pwede rin itong hub ng mga turista na na nawiwili sa mga likas na atraksyon ng Tubungan, kabilang ang mga kuweba, talon at iba pang attractions.

Pinapahusay ng TRAs ang karanasan sa paglalakbay sa pamamagitan ng pag-aalok ng mahahalagang amenities tulad ng malinis na banyo, pasalubong center na sumusuporta sa mga lokal na micro, small, and medium enterprises (MSMEs).