Lucas

Lucas inihagay buong suporta kay Torre

20 Views

CAMP BGEN Vicente Lim–Ipinarating ng Police Regional Office (PRO)-4A kay PNP Regional Police Office 11 director P/Brig. Gen. Nicolas Torre III ang buong suporta nito sa ngalan ng patas at walang kinikilingang batas.

Ayon kay P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, PRO 4A director, hindi dapat natitinag ang pangako sa pagtataguyod ng batas at pagtiyak ng hustisya sa rehiyon.

Ipinahayag ni P/BGen Lucas ang buong suporta kay Gen. Torre.

Nakatuon sa hindi natitinag na suporta sa kanyang mga kasamahan habang nilalakaran nila ang mga hamon habang naglilingkod sa mga mamamayan at itinataguyod ang batas.

Bilang regional director ng PRO 4A, pinanatili ni Lucas na walang
kinikilingan at walang pinoprotektahang interes ng kahit sinuman.

“Dahil naniniwala ang pulisya na ang lahat ng mamamayan dapat magpasakop sa kamay ng batas, maging anuman ang estado sa buhay at organisasyong kinabibilangan,” sabi ng heneral.