Noveleta

5 kawani pinarangalan sa natatanging kontribusyon sa Noveleta

Dennis Abrina Sep 1, 2024
34 Views

NOVELETA, CAVITE–Pinarangalan ang limang kawani noong Agosto 31 bilang sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng mga Bayani ng Noveleta sa Iglesia Independiente Church sa Brgy. San Rafael 1, Noveleta.

Kinilala ng bayang ito, sa pamumuno ni Mayor Dino Reyes-Chua, ang mga kawani kasama si Cavite 1st District Board Member Davey Chua para sa kanilang natatanging kontribusyon sa naturang bayan.

Sina Leonora Bacsal, eco aide; Rex Mediran, garbage collector; Nelia Santiago ng Noveleta Traffic Management Office, Vicky Nicanor, regular employee at Estelita Bunda, day care worker, ang limang pinarangalan bilang mga Bagong Bayani.

“Ito po ginaganap natin taon-taon simula po ng tayo manungkulan bilang alkalde para bigyang halaga ang mga contribution ng ating mga kawani sa bayan ng Noveleta at upang magbigay inspirasyon sa kapwa manggagawa ng lokal na pamahalaan po,” sabi ni Mayor Chua.