Holdup tess Lardizabal Attachments5:09 PM (11 minutes ago) to Manuel, Tonight, me Source: FB post

Mag-asawa hinoldap, misis patay; P2M natangay

Dennis Abrina Sep 5, 2024
37 Views

NAIC, CAVITE–Patay ang isang 34-anyos na babae at inoobserbahan pa sa ospital ang mister niya makaraang pagsasaksakin sa leeg, ulo at katawan ng kinuha nilang driver at tinangay pa ang P2 milyon mula sa mag-asawa.

Namatay dahil sa malalim na saksak sa leeg si Czarri Marie Cantuba at agaw-buhay pa ang mister niyang si Marlon Cantuba, 35, ng Sitio 1 Gulap, Candaba, Pampanga.

Tumakas ang suspek tangay ang sasakyan at P2 milyon ng mag asawa na kinilala na si alyas Jomar, 43.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:00 ng umaga bumiyahe ang mag asawa papuntang Cavite mula Pampanga.

May kausap ang mga biktima na kukuhanan ng mga frozen meat sa may Cavite Technopark sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Ang suspek din ang nag-alok at nakipag negosasyon sa mag asawa.

Habang bumabaybay sa Governor’s Drive sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite, bigla umanong huminto ang suspek at itinabi ang sasakyan.

Kinausap ng suspek ang lalaking biktima na kung pwede siya muna ang mag-drive dahil inaantok siya. Pero hindi pa nakakakilos ang biktima inundayan na ng suspek ng saksak sa ulo ang lalaki.

Tinutukan din nito ng patalim ang babaeng biktima at sapilitang kinuha ang ang bag kung saan nakalagay ang pera. Agad naman itong ibinigay ng biktima at ng makuha ang bag, inundayan din ng saksak sa leeg at tumakas na dala ang sasakyan ng mag asawa.

Nakahingi pa ng tulong sa barangay mobile unit ang babae kaya naitakbo sa pagamutan ang mag asawa subalit hindi na naisalba ang babae.