Calendar
Quiboloy sinabihan: Wag gamiting human shield KOJC followers
NANAWAGAN si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas kay Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na at huwag gamiting human shield ang mga taga-sunod ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Sinabi ni Brosas na matitigil ang pagiging “battleground” ng KOJC compound sa Davao City kung susuko na si Quiboloy at haharapin ang mga kasong kriminal na isinampa sa kanya.
“Quiboloy needs to stop playing God and face the charges against him. Itigil na niya ang drama niya at sumuko na lang siya,” giit ni Brosas.
“Huwag niyang gamiting human shield ang mga taga-suporta niya. The victims of his alleged crimes deserve justice, and he must submit himself to the legal process,” dagdag pa ng kinatawan ng Gabriela.
Ang self-styled “Son of God” ay nahaharap sa mga kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.
“The exploitation of women and children is a grave violation of human rights that must be swiftly addressed,” saad pa ni Brosas.
“We stand with the victims of Quiboloy. Every day that passes without this criminal being apprehended is another day the victims are denied justice,” wika pa nito.
Binuksan naman ng Gabriela Women’s Party ang pintuan nito para sa iba pang biktima ni Quiboloy at tiniyak na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at bata.