Suspek

Nakatakas na drug suspek sa GenSan nahuli sa Makati

Edd Reyes Sep 14, 2024
29 Views

NASAKOTE ng mga otoridad sa Makati matapos makatakas ang isang drug suspek noong Biyernes.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, nakipag-ugnayan sa kanila ang General Santos City police nang makatanggap ng impormasyon na sa Makati City nagtago ang 46-anyos na si alyas Aljim na nahaharap sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang lungsod.

Dakong ala-1:30 ng hapon nakumpirma ng mga pulis ang akusado sa Canlantas St., Brgy. San Antonio.

Doon na isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ni South Cotabato Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Dinah Jean San Antonio Cornejo ng Branch 55 para sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sinabi ni BGen. Rosete na pansamantala munang ipiniit sa custodial facility ng Makati police ang akusado habang inaayos na ang pagbibiyahe sa kanya patungo ng General Santos City.