Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Kabataan

Araw ng Kabataan sportsfest sa MinOr masaya, makabuluhan

142 Views

MINDORO ORIENTAL–Tagumpay ang pagdaraos ng Araw ng Kabataan Sports Fest sa Sentrong Pangkabataan sa Brgy. Sta. Isabel, Calapan City.

Masaya at makabuluhan ang naturang gawain dahil sa pakikilahok ng mga Sangguniang Kabataan chairperson sa mga inihandang palaro.

Naging tampok din sa pagdiriwang ang inihandang Governor’s Night na handog ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor sa mga SK chairperson ng lalawigan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makasama at makadaupang palad ang gobernador na dati ring SK chairman at SKPF president.

“Be the best that you can be,” ang mensahe ni Gov. Bonz sa mga lider kabataan.

Ayon sa kanya, lahat ng nararanasan ngayon ng mga opisyal ng SK bunga ng kanyang pagsusumikap.

Pinasalamatan ng mga SK officials si Gov. Bonz dahil sa suportang ipinagkakaloob sa mga programa ng SK.

Nagpahayag din ng kanilang suporta sina Board Member Alely Casubuan-Tan at Board Member Fay Ilano-Navarro.