Rape

P180K pyansa sa kelot na nahuli sa sex crimes sa Tanauan

46 Views

NASAKOTE ng mga otoridad ang isang lalakI dahil sa kasong rape sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, Batangas noong Huwebes.

Nahuli si alyas Danny ng mga tauhan ng Tanauan police para sa kasong rape at sexual assault sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 83 ng Tanauan.

Itinakda ng korte ang P180,000 na piyansa para sa tatlong bilang ng sexual assault pero hindi pinayagan ang suspek na pansamantalang makalaya para sa two counts ng rape.