Complaint

TFK nagsampa ng kaso vs vice gov sa Ombudsman

81 Views

KINASUHAN ng isang grupo sa Office of the Ombudsman si Benguet Vice Gov. Ericson Felipe kamakailan.

Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), may conflict of interest umano ang pagiging vice governor ni Felipe at pagiging may-ari niya umano ng Tagel Corporation, isang construction firm na may transaksiyon sa gobyerno.

Nakasaad rin sa nasabing reklamo, nakakuha umano ng kontrata ang kumpanya ni Felipe sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2022 hanggang 2023 habang siya ang bise gobernador.

Ito raw ay paglabag sa Republic Act 3019 at 6713 o ang Anti-graft and Ethical Standards of a Government Official.

Dagdag pa ng TFK, si Felipe ay patuloy na nagmamay-ari ng 60% ng nasabing kumpanya.

Ang TFK ay isang civil society group na nakabase sa Cordillera Administrative Region (CAR) at nagbabantay sa mga katiwalian ng mga opisyal sa nasabing rehiyon.