Calamba Source: FB file photo

Road rage sa Calamba dahil mag-asawa nag-overtake

Gil Aman Oct 3, 2024
7 Views

SUGATAN ang mag asawa na sakay ng Mitsubishi Xpander nang barilin ng lalaking rider na kanilang in-overtakan sa Calamba City noong Miyerkules.

Ginagamot sa Calamba Medical Center Hospital ang mag-asawa na sina Marian Elorde Arricivita, 48, at asawang si Paul Jack Mesa Arricivita, ng Blk 1 Lot 2 Montebello Subdivision Ciudad De Calamba, Brgy. Punta, Calamba City, dahil sa tama ng bala ng baril mula sa rider na nilampasan nila.

Nakatakas ang suspek na sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi ng maganap ang pamamaril nang magalit ang suspek dahil sa pag-overtake ng itim na Expander (NEC 9986).

Sinundan ng suspek hanggang sa makarating ng gate ng subdivision ang mag asawa at saka pinagbabaril ang sasakyan.