Crime Source: Screen grab mula Saki news bideo

Speaker Romualdez kinondena ambush sa ABC prexy, driver sa Bulacan

Bernard Galang Oct 4, 2024
59 Views

MARIING kinondena ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpatay kay Bulacan Sangguniang Panlalawigan Member at ABC President Ramilito Capistrano, at drayber nitong si Shedrick Suarez, sa Bgy. Ligas, Malolos City Huwebes ng gabi.

“We condemn in the strongest term possible the ambush that killed Sangguniang Panlalawigan Member and ABC President Capistrano and his driver Suarez,” ani Speaker Romualdez sa isang pahayag nitong Biyernes.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Speaker Romualdez sa pamilya ng mga nasawi at sa komunidad ng Bulacan.

“We extend our condolences to the families of SP Capistrano and Suarez, Barangay Caingin of San Rafael municipality, and the people of Bulacan,” saad pa ng lider ng Kamara.

Iginiit ni Speaker Romualdez ang pangangailangan ng mabilis na aksyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay.

“We join the representatives from Bulacan and the Bulacan provincial government led by Gov. Daniel Fernando in pressing all our law enforcement agencies and authorities to investigate and apprehend the perpetrators quickly. Justice should be served,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Nanawagan din ang lider ng Kamara sa publiko na maging mahinahon at tulungan ang otoridad sa isinasagawang imbestigasyon upang agad na malutas ang kaso.

“At the same time, we call on our people to stay calm and cooperate with law enforcement in the investigation,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)ABC-Bulacan pres, driver patay sa ambush

Binabaybay ng mga biktima ang service road ng barangay sakay ng Mitsubishi Montero (CBZ 6532) nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril sila na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay. May kasamang ulat ni RYAN PONCE PACPACO