Wanted

PRO 4A cops umariba; inaresto 63 crime suspek

32 Views

Wanted1Wanted2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Nalambat ng mga elemento ng Police Regional Office (PRO) 4A ang 63 wanted persons sa nakalipas na 24 oras.

Nagsimula ang operasyon ng alas-6:00 ng umaga ng Hulyo 29 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Hulyo 30 at umabot sa 25 indibidwal na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons (MWPs), samantalang 38 naman ang nailista bilang Other Wanted Persons (OWPs) ang natiklo.

Ayon kay PBGen. Dominic Baccay, director ng PRO 4A, ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng koordinasyon ng mga Provincial at City Police Offices at mga intelligence units sa mabilis na pagpapatupad ng mga warrant of arrest.

Sinabi ng opisyal na ang tagumpay na ito ay nakatutok sa B.E.S.T. (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, Transform Trust) leadership program at sa agenda ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Nasa kustodiya na ng kani-kanilang operating units ang mga naaresto para sa dokumentasyon at booking procedures.