Vic Reyes

Koleksyon ng BoC tataas pa

Vic Reyes Aug 2, 2026
19 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman.

Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin natin sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Mabuhay kayong lahat!

***

Kahit malayo sa paningin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Finance Secretary Frederick D. Go at Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, masipag na nagtatrabaho ang mga opisyal at kawani ng iba’t-ibang collection districts ng Bureau of Customs (BOC).

Alam nila na mayroon silang mga tungkulin na dapat gampanan.

Kailangang sumunod sila kay Commissioner Nepomuceno, na patuloy sa pagsasa-ayos ng operayon at pagpapaganda sa imahe ng BOC.

Kaya naman kamakailan ay napuri ang Port of Clark sa Pampanga na nagawang lampasan ang revenue collection target sa unang anim na buwan ng 2026.

Nakakolekta ang Port of Clark, na pinamumunuan ni District Collector Jairus S. Reyes, ng tumataginting na P2.765 bilyon.

Ito ay lampas ng P104.7 milyon sa collection target sa nasabing six-month period.

Pinaigting din nina Collector Reyes and kanilang kampanya laban sa ismagling.

Nag-isyu ng 51 warrants of seizure and detention laban sa mga kontrabando na nagkakahalaga ng mahigit na P614 milyon.

“A key driver of our success is our strong partnership with other agencies,” ayon kay Collector Reyes.

Ang mga ahensiyang ito ay kinabibilangan ng local Customs Industry Consultative and Advisory Council, Clark Development Corporationm LIPAD Corporation at Air Express Cargo Operators.

Sinabi din ni Reyes na ang mga repormang ipinapatupad “are already creating meaningful impact among stakeholders.”

Idinagdag pa niya: “We are grateful that many of our locators and stakeholders here at the Clark Freeport Zone have expressed their appreciation for the IAM Program of Commissioner Nepomuceno.”

Sa pamamagitan ng IAM Program na ito ay napapabilis at nagiging “more transparent” ang mga proseso sa customs.

“Ito ang klase ng serbisyo na kailangan ng ating mga negosyo at ekonomiya,” sabi pa ni Reyes.

Siyempre ang mga ito ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin ang mga serbisyong ibinibigay sa taumbayan.

***

Apat na paparating na pasahero ang dinampot ng mga otoridad sa Terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City noong Hulyo 30.

Galing ng Bangkok, Thailand, ang baggage ng apat na pasahero ay nakitaan ng 41,851 gramo ng marijuana.

Ang illegal drugs ay nagkakahalaga ng mahigit na P62 milyon.

Ang prohibited substance ay nabisto nang dumaan sa routine screening ang bagahe.

Idinaan din sa X-ray at K9 inspection ang mga baggage bago ito tuluyang binuksan.

Sinabi ni District Collector Ma. Yasmin O. Mapa ng Port of NAIA na ang apat na suspek ay nasa kamay na ng mga taga-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

May standing order si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa BOC na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot.

Hindi titigil ang BOC sa pagbabantay sa mga airports at patuloy na palalakasin ang intelligence operations.

***

Limang buwan na lang, matatapos na ang taong 2026.

Kahit ang maraming problem ang kinakaharap ng bansa ay inaasahang magiging “banner year” ang 2026 kung ang pag-uusapan ay tax collection performance ng Bureau of Customs (BOC).

Inaasahang tataas pa ang koleksyon ng ahensya sa nalalabing limang buwan ng taon.

Nagdaratingan na kasi ang maraming “Christmas items” na mabiling-mabili sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa totoo lang ay magsisimula na ang mahabang Holiday Season sa Pilipinas sa Setyembre 1.

Ang Setyembre ang una sa apat na tinatawag na “ber months” ng taon (September, October, November at December).

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa 0917-8624484/email: philipreyes08@yahoo.com. )