Lipa

16-anyos na dalagita nakuryente sa kalye, dedo

40 Views

ISANG 16-anyos na babae ang namatay noong Linggo matapos makuryente habang naglalakad sa Lipa City.

Kinilala ang namatay na si alyas Angelyn, estudyante, ng Purok 5, Brgy. Mabini, Lipa City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang nasawi sa kalye sa Purok 5, Brgy. Mabini galing sa tindahan nang aksidenteng maputol ang kawad ng kuryente mula sa poste at bumagsak sa tabi niya.

Nakuryente at nangisay ang babae at bumagsak sa kalye. Isinugod sa Lipa Medix Medical Center ang babae ngunit idineklarang dead-on-
arrival ng attending physician na si Dr. Gale Moog.