MRT

Bagong ridership record sa MRT-3 naitala

245 Views

NAITALA noong Abril 6 ang pinakamaraming bilang ng pasahero na sumakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng train system, umabot sa 320,844 pasahero ang sumakay sa MRT-3, ang pinakamarami mula ng magbalik ang serbisyo nito noong Hunyo 1, 2020 matapos ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Libre ang sakay ngayon sa MRT-3 kaya mas marami rin ang naeenganyong sumakay.