MRT

Libreng sakay sa MRT-3 extended hanggang Mayo 30

181 Views

PINALAWIG ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) hanggang sa Mayo 30.

Ang libreng sakay ay hanggang Abril 30 na lamang dapat subalit nagpasya ang pamunuan ng DOTr na palawigin ito upang patuloy na makapaghatid ng tulong sa mga Pilipino na apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin kasama na ang produktong petrolyo.

Libreng makasasakay sa MRT-3 mula alas-4:40 ng umaga hanggang 10 ng gabi.

Umabot na sa 7,227,434 pasahero ang naka-libre ng sakay sa MRT-3 mula ng mag-umpisa ang programa noong Marso 28.