Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Dengue Walang tigil ang fumigation at misting sa General Trias, Cavite para labanan ang paglobo ng dengue cases.

Kaso ng dengue sa Cavite 10,119 na, 43 namatay

Dennis Abrina Nov 24, 2024
160 Views

UMABOT na sa 10,119 ang kaso ng dengue sa Cavite mula noong Enero, ayon sa datos ng Cavite Provincial Health Office noong Sabado.

Ayon kay Dr. Nelson Soriano, Cavite Provincial Health Officer, 43 na ang namamatay sa dengue sa taong ito. Sobrang taas ng fatality rate kumpara sa 5 namatay noong 2023.

Imus City ang may pinakamataas na kaso sa 1,532, Bacoor, 1,500; General Trias, 1,183; City of Dasmarin̈as, 1,101; Trece Martires City, 904; at Tanza, 847.

Karamihan sa mga tinamaan ng dengue mga lalaki (5,345 o 53 percent).

Kamakailan, idineklarang nasa state of calamity ang Dasmariñas dahil sa outbreak ng dengue.