Drone Source: PRO5

Katapangan ng mangingisdang nakarekober sa ‘spy drone’ sinaluduhan

13 Views

NAIS bigyan ng parangal ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang mga mangingisda na nakarekober sa hinihinalaang spy drone sa Masbate noong Disyembre.

Isinulong ito ni Padilla sa pagdinig ng Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones sa Senado nitong Miyerkules.

“Nais ko magbigay ng motion sa pagbibigay ng parangal sa ating mangingisda na nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa bayan,” aniya.

“Ako po saludo sa inyo. Karapat dapat kayong bigyan ng parangal,” diin ng mambabatas sa mga mangingisda.

Samantala, nanawagan si Padilla sa publiko na huwag magkalat ng maling impormasyon tungkol sa drone, lalo na’t pinagaaralan pa rin ito ng mga awtoridad ng Pilipinas. \

“Ito ay talagang may kinalaman sa ating seguridad. Pero huwag tayo patalon-talon sa mga kwento-kwento. Tama na po ang mga kwento-kwento,” aniya.