DCA Kabilang sa nag turnover ng bagong palaruan si Turkish Ambassador His Excellency Niyazi Evren Akyol, (2nd from right), Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino, (gitna), Ibrahim Katirci, (extreme right) Country Director ng Turkish Cooperation and Coordination Agency (TIKA) Manila Program Coordination Office, Dr. Edeliza Catacutan, (ika-2 mula kaliwa) Tagaytay City Public School District Supervisor at Dr. Imelda Quiñonez, Principal. Pinangunahan ng Tagaytay City Central School ang simpleng ribbon cutting at turnover ceremony ng bagong gawang palaruan sa paaralan noong Lunes sa Sungay West, Tagaytay-Calamba Rd, Tagaytay City, Cavite. Kuha ni Dennis Abrina

Turkish execs, mayor binuksan bagong palaruan sa Tagaytay

Dennis Abrina Jan 21, 2025
12 Views

DCA1TAGAYTAY CITY, CAVITE–Binuksan sa mga mag-aaral ng Tagaytay City Central Elementary School sa Brgy. Sungay West noong Lunes ang bagong palaruan na donasyon ng gobyerno ng Turkey.

Pinangunahan ni Turkish Ambassador His Excellency Niyazi Evren Akyol, Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Ibrahim Katirci, Country Director of the Turkish Cooperation and Coordination Agency (TIKA) Manila Program Coordination Office ang simpleng turnover ceremony kasama ang DepEd Tagaytay City.

Nagpasalamat din kay Dr. Edeliza Catacutan, Public School District Supervisor ng Tagaytay City, ang mga panauhin.

“Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat para sa iyong mapagbigay na donasyon ng palaruan at 36 na mga whiteboard.

Ang iyong kontribusyon nagdulot ng kagalakan sa aming paaralan at mga mag-aaral at nagbibigay sa mga bata ng isang ligtas at masayang espasyo para maglaro at habang ang whiteboard magpapahusay sa kakayahan ng mga guro na magturo,” dagdag ni Dr. Catacutan.

Namigay din ng school bags at supplies sa mga estudyante ng nasabing elementarya.