PGC office

Bukas na bagong PCG office sa Cavite City

Dennis Abrina Jan 24, 2025
17 Views

PGC officeCAVITE CITY–Binuksan na ang bagong gawang gusali ng Philippine Coast Guard Substation noong Enero 23 sa Brgy. 30 Bid-bid, Caridad, Cavite City.

Pinangunahan ang pagbubukas nina Cavite City Mayor Denver Chua, Vice Mayor Raleigh Rusit at Commodore Christopher Meniado, PCG Commander, Coast Guard District-National Capital Region-Central Luzon.

Nagpasalamat si Meniado sa city government ng Cavite City at kay Mayor Chua dahil sa bagong gusali.

Malaking bagay ang bagong opisina ng PCG sa pagpapairal ng maritime safety, enforcing ng maritime laws, pagresponde sa mga disasters at pag-protekta sa marine environmental resources.

Ayon kay Mayor Chua, ito na ang permanenteng tahanan ng PCG sa Cavite City.

“Malaki ang naitutulong ng coast guard sa ating mga mamamayan lalung-lalo na sa ating mga kababayang mandaragat. Palagi nating kapartner ang PCG sa iba’t-ibang programa ng ating pamahalaang lungsod.

Kaya nararapat lamang na sila magkaroon ng maayos, disente at permanenteng tahanan sa ating lugar,” sabi ng mayor.