Silang Source: PNA file photo

Laban sa halalan mahigpit sa Kawit, Tanza, Naic, Silang

Dennis Abrina Jan 31, 2025
14 Views

INAASAHANG highly contested ang eleksyon sa ilang lugar sa Cavite base sa forecast ng Cavite Provincial Election Supervisor.

Ayon kay Atty. Mitzele Veron ‘Mico’ Morales-Castro, mahigpit ang laban sa Kawit, Tanza, Naic, Silang at iba pang upland towns sa May 12 midterm elections.

Mayroong 2.4 million voters ang lalawigan na maaaring bumoto sa halalan, ayon sa opisyal.

Aabot sa 100,000 ang bagong botante na kinabibilangan ng mga legal voters o mga 18-anyos pataas at mga transfer registrants.

Ayon naman sa mga political observer, magiging maganda ang laban sa Naic, Ternate, Maragondon, Magallanes, Bailen at Indang dahil may mga nakatalang aspirants sa mga bayan na ito.

Unopposed naman ang mga candidates sa Bacoor City, Cavite City, General Trias, Tagaytay City, Rosario, Mendez at Alfonso.

Campaign period na para sa mga senatoriables at partylist sa Feb 11 hanggang May 10 at sa March 28 hanggang May 10 ang simula ng kampanya para sa local positions (gobernador hanggang konsehal).