Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
RIT

Parak natimbog suspek sa pag-utas sa negosyante sa Jaen

Steve A. Gosuico Feb 2, 2025
16 Views

JAEN–Nasakote ng mga pulis sa bayang ito ang isa sa dalawang riding-in-tandem (RIT) na suspek sa pananambang sa negosyanteng si Jerry Flaminiano noong Sabado.

Naaresto ang suspek na si alyas Sandy dakong alas-10:10 ng umaga sa Brgy. Apo Esquivel, ayon sa police chief na si Major Ernesto Esguerra.

“Mabilis ang naging responde kasi may bantay na pulis tayo sa area kaya huli agad ung isa,” sabi ni Esguerra.

Pinaniniwalaang miyembro ng gun-for-hire group ang suspek, ayon sa hepe ng pulis.

Ayon kay Esguerra, nakatakas umano ang isang kasabwat ng suspek.

“Nakatalon sa ilog yung isang suspek. Narekober lang natin ung sweatshirt niyang naiwan,” ani ng opisyal.

Narekober sa naarestong suspek ang isang cal.45 pistola na may tatlong bala, isang hand grenade, isang pouch na naglalaman ng iba’t-ibang identification card, at isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Narekober din sa lugar ang getaway motorcycle ng mga suspek at isang pulang sweatshirt na pag-aari ng isa sa mga suspek.

Pinaulanan ng bala noong Sabado ng dalawang lalaking nakamotorsiklo ang sports utility vehicle ng biktima na agad ding namatay.