Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Bangkay Ang bloated na bangkay ng umano’y driver ng motorsiklo na pumaslang sa negosyante sa Jaen noong Sabado ng umaga. Kuha ni Steve Gosuico

‘Driver’ sa ambush ng negosyante ng Jaen natagpuang patay

Steve A. Gosuico Feb 3, 2025
19 Views

JAEN, Nueva Ecija–Ipinalalagay ng mga pulis na nalunod ang 39-anyos na lalaki na sinasabing driver ng motorsiklo na pumatay sa negosyanteng si Jerry Flaminiano noong Sabado.

Natagpuan ang bloated na bangkay ng suspek sa Pampanga River noong Linggo.

Kinilala ni police head Major Ernesto Esguerra ang nakitang patay sa ilog na si alyas Sonny, 39.

Nadiskubre ang kanyang bangkay sa paligid ng ilog sakop ng Purok 1, Brgy. Apo Esquivel alas-5:00 ng hapon.

Kinilala siya ni Esguerra bilang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa negosyante na unang nakatakas sa pagkaaresto matapos tumawid ng ilog.

Sa funeral parlor, kinilala si alyas Sonny ng kanyang nakatatandang kapatid na babae.

Noong Sabado ng umaga, nasakote ng pulisya ang umano’y gunman sa krimen na kinilalang si alyas Sandy, 34.

Suspek ang dalawa sa pag-ambush sa negosyanteng si Jerry Flaminiano sa Brgy. Apo Esquivel dakong alas-10:10 ng umaga.