Phivolcs Photo: PHIVOLCS

16 volcanic tectonic earthquakes naitala sa Kanlaon Volcano

62 Views

UMABOT sa 16 na volcanic tectonic earthquake ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, nagkaroon ng limang insidente ng ash emissions na tumagal ng kabuuang 125 minuto.

Nakapagtala rin ng 16 na volcanic earthquake kung saan tatlo sa mga ito ay bahagyang malakas.

Habang mataas din ang antas ng inilalabas na asupre na nasa 4,975 tonnes, na naglikha ng usok na may taas na 400 meter.

Sinabi ng Phivolcs na base sa monitoring ay nananatiling namamaga ang bulkan na indikasyon na may aktibidad sa loob nito.

Paalala ng ahensya na may badya pa ring pagsabog ang Bulkang Kanlaon at nananatiling nakataas ang Alert Level 3.

Ang mga residente sa loob ng 6-kilometer radius ay nailikas na at nakataas ang babala para sa biglaang pagsabog, lava flow, ashfall, pyroclastic density current, rockfall at pag-agos ng lahar sa oras na magkaroon ng malakas na pag-ulan.