Calendar
Bangkay ng lalaki nakita sa kalye
ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuang nakabulagta sa kalye noong Sabado sa Brgy. Dist. 4, Balayan, Batangas.
Ayon sa pulis Balayan, ang biktima ay kinilalang si alyas Leo, 39, binata, walang trabaho at residente ng Barangay District 1 Balayan.
Sinabi ng mga barangay opisyal ng District 1, Balayan, Batangas isang residente ng Sitio Ina ng Awa ng District 4, Balayan ang nag-ulat na nakita niya ang bangkay.
Lumabas sa imbestigasyon na bandang 7:30 ng gabi ng Pebrero 1, 2025,nang nakita ang biktima na nakahandusay sa gitna ng kalsada. Ito ay may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Natagpuan ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala para sa kalibre .45 at Suzuki Smash na motorsiklo na may plakang 881 NLA.
Kaagad na tumulong ang mga operatiba ng Scene of the Crimes Operative (SOCO)para sa teknikal na imbestigasyon at kaagad nagsagawa ng Dragnet Operation ang mga lokal na pulis para sa agarang pagkadakip ng di pa kilalang salarin.