Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Patay

Kelot pinagtataga ng 2 salarin dedo

83 Views

PATAY ang lalaking pinagtataga ng dalawang nakatakas na salarin noong Martes sa Brgy. Butong, Taal, Batangas.

Ayon sa mga imbestigador, nasa kubo ang biktimang si alyas Reymar, 45, ng pagtatagain ng mga suspek na sina alyas Efren at alyas Sherwin bandang alas-11:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon, biglang dumating ang dalawang suspek na kapwa armado ng itak ng araw na pinatay ang biktima.

Habang nag-uusap ang mga suspek, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang tatlo at bigla na lamang pinagtataga ang suspek na siyang ikinamatay nito.

Tumakas ang dalawang salarin matapos isagawa ang krimen.

Isinugod ang biktima sa Lemery Doctors Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Richman Rodriguez dahil sa mga taga sa mukha at kili-kili.