Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Bataan Gob

Bataan gob: Hangad ko ibayong kaunlaran para sa mga Bataeno

Christian Supnad Feb 7, 2025
322 Views

BATAAN–Isusulong ni Gov. Joet Garcia ang mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeño.

Sa pulong ng mga miyembro ng Provincial Development Council sa pamumuno ng gobernador, inihayag ng punong ehekutibo na nagkakaisa sila sa layunin na paigtingin ang mga pagsisikap tungo sa ibayong kaunlaran at mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeno.

“Ilan po sa mga nakapulong mga civil society organizations, Department of Public Works and Highways (DPWH), Bataan District Engineering Offices at mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan,” sabi ng opisyal.

Ang bawat representative naglahad ng kani-kanilang mga proyekto para sa taong ito katulad ng mga daan, tulay at mga pasilidad para sa tatlong distrito ng Bataan.