Arestado

20 anyos na kelot suspek sa panghahalay, naaresto sa Batangas

15 Views

CAMP GEN. Miguel Malvar–Arestado dahil sa panghahalay noong Pebrero 6 ang 20-anyos na lalaki sa Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas.

Nahuli si alyas Ritchelle sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng rape na inisyu ni Nelson Ditan, Pangalawang Hukom ng RTC Fourth Judicial Region, Branch 86 ng Taal, Batangas.

Nakakulong sa Lemery police station ang suspek at naghihintay ng karagdagang legal na proseso.