Batangas

Lian naglunsad ng FAD

21 Views

INILUNSAD ang Fish Aggregating Device (FAD) noong Pebrero 20 sa Brgy. San Diego, Lian, Batangas.

Katuwang sa paglunsad ng proyekto ang tanggapan ng Provincial Cooperative, Livelihood, and Enterprise Development Office (PCLEDO) at Department of Energy (DOE).

Layunin ng programa na suportahan ang mga Batangueñong pamilya na naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sinisikap din ng mga ahensyang nabanggit na mapataas ang produksyon at kita ng mga mangingisda at magsasaka sa sa pamamagitan ng mga makabagong paraan sa sektor ng pangisdaan at agrikultura sa Batangas.

Nagpasalamat ng mga benepisyaryo sa Lian kay Gov. Hermilando Dodo Mandanas sa inilunsad na programa.

Dumalo sa programa si Lian Vice Mayor Ronin Leviste at mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist.