Dolor

Mamamayan may ayuda kay Gov. Bonz, asawa

15 Views

IPINADAMA ni Gov. Bonz Dolor kasama si first lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor ang suporta sa mga mamamayan sa pagbibigay ng mga insentibo at kinakailangang materyales na maaaring gamitin sa mas maayos na pagganap sa tungkulin sa San Teodoro.

Namahagi ng insentibo noong Pebrero 28 para sa mga barangay tanod, barangay health workers, barangay nutrition scholars, day care workers, barangay secretary, barangay treasurer, barangay sanitary, bookkeeper at barangay justice sa Brgy. Ilag, Poblacion, Calsapa at Tacligan, San Teodoro.

Umabot sa 2,701 households naman mula sa apat na barangay ang nabigyan ng food packs bilang pag-agapay sa mga mangingisdang ilang araw nang hindi nakapangisda dahil sa masamang panahon.

Nasa 800 na sako ng semento rin ang naipamahagi sa mga nabanggit na barangay.

Nais din ng punong lalawigan na magkaroon ng medical mission sa Brgy. Tacligan.