Calendar
Metro
Akusado ng rape, nag hide-and-seek ng 10 taon, nasakote
Edd Reyes
Mar 5, 2025
369
Views
KINALAWIT ng mga pulis ang lalaking wanted sa panghahalay sa Valenzuela City sa Mamburao, Occidental Mindoro noong Martes 10 taon matapos siyang magtago.
Hindi inakala ni alyas Jonathan na matutunton siya ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban sa GCFI Farm II, Brgy Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro mahigit 10 taon matapos maharap sa kasong panggagahasa.
Naisilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Unit ang warrant of arrest kay Jonathan dakong alas-6:40 ng umaga.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

