Dolor

Regional hospital sa Calapan may tatayuan na

18 Views

OR. Mindoro–Lumagda na sina Gobernador Bonz Dolor at Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” J. Herbosa sa isang memorandum of agreement para sa deed of donation ng 4.5 ektaryang lupa na pagtatayuan ng Regional Hospital sa Brgy. Ilaya, Calapan City noong Huwebes.

Sinabi ni Dolor ang kanyang paniniwala na ang kalusugan isang matibay na pundasyon tungo sa pagkakaroon ng isang malusog at produktibong mamamayan.

Ayon sa kanya, ang layunin ng kanyang pamunuan madagdagan at hindi mabawasan ang mga mabibigyan ng akomodasyon at tulong ang dumadagsang bilang ng mga pasyente sa kasalukuyang Provincial Hospital.

Inihayag din ni Gob. Bonz ang mga pagsisikap ng kanyang administrasyon sa kabila ng patuloy na pagbabayad ng naging utang ng pamahalaang panlalawigan.

Humanga sa gobernador si Herbosa sa naging desisyon nito na nasa tamang direksyon at sa sistemang mayroon ngayon ang sektor ng kalusugan sa lalawigan.