NPC suportado si Cong. Erwin Tulfo
Dec 22, 2024
Naghamon ng away kinalawit ng pulisya
Dec 21, 2024
MALAGASANG FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA
Dec 21, 2024
Calendar
Nation
Mga guro bibigyan ng bayad sa overtime service noong halalan
Arlene Rivera
May 15, 2022
287
Views
BIBIGYAN ng dagdag na bayad ng Commission on Elections (Comelec) ang mga guro na inabot ng umaga sa kanilang mga presinto dahil sa nasirang vote counting machine (VCM) at hindi gumanang SD card.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia pinapa-aprubahan na sa Comelec en banc ang P20 milyon para sa overtime service ng mga piling guro.
Dahil nasira ang VCM o SD card, mayroong mga guro na nanatili sa kanilang mga presinto hanggang noong Mayo 10.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Comelec kaugnay ng mga nasirang VCM at SD card.
Umabot sa 1,867 presinto ang nahuli sa pagbibilang o pagta-transmit ng resulta dahil sa pagkasira ng VCM at SD card.
NPC suportado si Cong. Erwin Tulfo
Dec 22, 2024
FL Liza Marcos nagpasalamat sa Marcos loyalists
Dec 21, 2024
Saudi Arabia nangangailangan ng skilled workers
Dec 21, 2024
PRO3: Insidente ng krimen sa Central Luzon bumaba
Dec 21, 2024
PBBM binuksan bagong renovated na AFP Museum
Dec 21, 2024