Abalos

Abalos kinondena pagpatay sa Bora

Jun I Legaspi Mar 14, 2025
29 Views

KINONDENA ni Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang pagpatay sa 23-anyos na Slovak national sa Boracay.

Ayon kay Abalos, nakipag-usap na siya kay Police Brig. Gen. Jack Wanky, hepe ng Police Regional Office 6, at nangako ang opisyal na walang palalampasing detalye upang mahuli atang nasa likod ng krimen.

“I want to assure the public, especially the international community, that it is a very isolated case.

I just had a talk with the Regional Director, Jack Wanky, that it was the first time it happened to a tourist,” saad ni Abalos.

Natagpuan ang bangkay ni Michaela Mickova sa loob ng isang abandonadong kapilya sa Zone 3, Brgy. Balabag, Malay bandang alas-2:00 ng hapon noong Marso 12—dalawang araw matapos siyang i-report na nawawala ng isang kaibigang Pilipina.

Tiniyak ni Abalos sa publiko at sa mga dayuhan na hiwalay na kaso ang pagkamatay ng Slivan national at nananatiling ligtas ang Pilipinas para sa mga turista.

Kasalukuyang nagsasagawa ng backtracking investigation ang pulisya upang matukoy kung sino ang mga huling taong nakasama ni Mickova bago siya nawala.