Evidence Ang mga ebidensyang nakumpiska sa Cabiao checkpoint.

May kargang droga, tusok nasilo sa checkpoint

Steve A. Gosuico Mar 17, 2025
42 Views

CABIAO, Nueva Ecija–Arestado ang isang motorcycle rider na naaksidente matapos magtangkang tumakas sa checkpoint dahil may dalang shabu at dalawang rider ang naaresto sa hindi pagsusuot ng helmet at pagdadala ng shabu, marijuana at isang bladed weapon noong Sabado.

Sinabi ni police head Major Hansen Miguel na ang unang operasyon nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 38-anyos na rider.

Na-flag down siya sa Brgy. San Vicente dakong alas-2:50 ng hapon ngunit hindi huminto at sinubukang tumakas pero sumemplang ang kanyang motorsiklo kaya nabuking na may dalang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Sa isa pang Comelec checkpoint operation alas-8:30 ng gabi, arestado ang dalawang rider, edad 44 at 35 anyos, dahil sa hindi pagsusuot ng helmet ngunit nadiin nang makitaan ng isang patalim na nakasukbit sa baywang ng backrider.

Sa sumunod na body search nadiskubre rin mula sa kanila ang P20,400 na halaga ng shabu at 10 gramo ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P1,200.

Sinabi ni Nueva Ecija cop chief Col. Ferdinand Germino ang kahalagahan ng pagsasagawa ng checkpoints.