Phivolcs

Cagayan niyanig ng magnitude 5.1 lindol

154 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 lindol ang Cagayan ngayong Martes ng hapon, Mayo 17.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-4:42 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 31 kilometro sa silangan ng Dalupiri Island (Calayan), at may lalim na 16 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – Calayan, Cagayan

Intensity III – Pasuquin, Bacarra at Laoag City, Ilocos Norte; Sanchez Mira, Cagayan

Instrumental Intensities:

Intensity III – Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity II – Laoag City, Ilocos Norte at Claveria, Cagayan

Intensity I – Gonzaga, Cagayan