Knife

Amerikano sinaksak sa leeg, braso, nakitang dedo sa hotel

Bernard Galang Mar 28, 2025
39 Views

ISANG dayuhan ang natagpuang patay at may mga tama ng kutsilyo sa leeg at magkabilang braso sa isang hotel sa Malabanias, Angeles City kamakailan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo ni Angeles City police acting director Joselito Villarosa Jr., tinatayang ang biktima 64-anyos na Amerikano ang biktima.

Pansamantalang tumutuloy sa Devera Hotel sa Don Juico Avenue, Malabanias, Angeles City ang biktima, ayon sa report.

Sa inisyal na pagsisiyasat, kinatok ng housekeeper ng hotel ang pinto ng kwarto ng dayuhan ngunit walang sumagot kaya agad niya itong ipinaalam sa front desk.

Ginamit ang master key para mabuksan ang pinto at pagpasok nakita niya ang dayuhan na nakahandusay sa sahig sa comfort room at may mga tama ng kutsilyo sa leeg at magkabilang braso.