Calendar

Kababaihan pinahahalagahan ni Gov. Joet
ABUCAY, Bataan–Pinahalagahan ni Gov. JoetGarcia ang mga kababaihan sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso at sinabing nakiisa siya selebrasyon ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) noong Marso 27 sa Las Marianas sa bayang ito.
“Layunin po ng pagdiriwang na ito na higit pang itampok ang kahalagahan ng mga kababaihan sa ating mga komunidad at bansa.
Binigyang-diin po natin ang mga tagumpay ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan at ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa pag-unlad ng lipunan,” sabi ng gobernador.
Ayon pa kay Gob. Garcia: “sa tulong ng KALIPI, nagkaroon tayo ng mga makulay na selebrasyon, at mga aktibidad na nagpapakita ng lakas at katatagan ng mga kababaihan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang selebrasyong ito sa lahat ng kababaihan at magpatuloy ang ating pagsuporta sa kanilang mga adbokasiya at layunin.”