Calendar

Mayor Richie: No demolition, ‘wag mag-worry
LIMAY, Bataan–Tiniyak ni Mayor Richie Jason David sa mga tagarito na walang demolition sa kanilang tirahan.
Ayon kay Mayor David: “Gaya ng ating pinangako ng tayo’y bumisita sa Mamala housing, walang demolition at lahat pipilitin natin ilagay sa ayos at naayon sa batas.”
Sinabi pa ni Mayor David na isang malaking hakbang ang naganap para sa ilang mga residente ng Mamala na matagal nang nakakaranas ng pangamba sa kanilang tirahan.
“Nakapag tayo sila ng bahay ng may kakulangan sa permiso sa ‘di sinasadayang pagkakataon. Dahil sa mga plano para sa pagtatayo ng Mamala Housing, sila’y na-relocate sa isang mas maayos at ligtas na lokasyon kung saan magkakaroon sila ng pagkakataon na magtayo ng kanilang mga ligtas at disenteng tahanan,” ayon sa mayor.
Upang hindi nagagambala ang mga residente sa patuloy na konstruksyon ng Mamala Housing, pinaliwanag ni Mayor David na nakatanggap ng mga donasyon ng mga materyales ang mga residente para sa pagtatayo ng kanilang mga bagong tirahan.
Ang hakbang na ito isang malaking tulong upang mapabilis ang kanilang paglipat at magkaroon ng mas maginhawang buhay.”
Ang proyektong ito patunay ng pagkakaisa at malasakit ng komunidad at mga nagbigay ng tulong upang masiguro na ang bawat isa magkakaroon ng maayos na tahanan.
Sa tulong ng mga donasyon at suporta, ang Mamala magtataglay ng mga bagong kabahayan na magiging daan sa mas maginhawang bukas para sa lahat, dagdag ni Mayor David.