Calendar

Obrero todas sa kadyot
DEDO noong Linggo ang isang obrero matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Azalea Vista Subdivision, Ward 7, Brgy. Pangao, Lipa City, Batangas.
Ang biktima, na nalagutan na ng hininga bago dumating sa ospital, kinilalang si alyas Gerald, ayon kay P/Lt. Col. Rix Villareal, hepe ng Lipa City police.
Sa imbestigasyon, pinasok ng suspek na kinilalang si alyas Cris ang biktima habang natutulog sa kanyang barracks bandang alas-2:40 ng madaling-araw at pinagsasaksak ng kutsilyo sa leeg.
Tumakas ang suspek patungo sa Brgy. Pangao, Lipa City matapos ang pananaksak.
Naisugod pa ang biktima sa San Jose District Hospital subalit idineklarang patay na ng idating doon.
Bago ang insidente, ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek dahil sa sobrang kalasingan.