Calendar
Provincial
5 huli sa akto ng paihi; P6K ‘ihi’ nakumpiska
Christian Supnad
Apr 14, 2025
406
Views
SAN JUAN, Ilocos Sur — Lima katao ang nahuli noong Linggo sa aktong nagnanakaw ng fuel oil sa Brgy. Immayos ng bayang ito.
Nakatanggap ng report ang mga pulis na limang lalaki ang diumano’y nagnanakaw ng crude oil mula sa dalawang truck mixers at isang dump truck na nakaparada.
Pagdating nina P/Lt. Reynald Ramos, deputy police chief, nahuli nila sa akto ang limang lalaking nagkakarga ng anim na container ng crude oil sa mga tricycle na nagkakahalaga ng P6,000.
Ayon kay Major Benjamin Raquedan, chief of police, handa ang mga pulis na arestuhin ang lahat ng lalabag sa batas
Ang akto ng pagnanakaw ng fuel oil ay mas kilala sa tawag na paihi kung kaya’t ang mga suspek ay tinatawag na Paihi Gang. Ang ninakaw naman ay tinatawag na ihi.
Tumatawid sa kalye nakarating sa langit
Jun 6, 2026
Limay Polytechnic College batch ’26 nagtapos
Jun 6, 2026
DRUG INVENTORY
Jun 6, 2026
Bayanihan naipapakita sa Brigada Eskwela
Jun 6, 2026
Mabini seniors tatanggap ng ayuda, gamot
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026

