Calendar
P822K na shabu nasamsam sa 2 drug suspek
CAMP OLIVAS, PAMPANGA–Dalawang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga ang nahuli at nasamsaman pa ng mahigit P822,000 na halaga ng shabu sa Capas, Tarlac, noong Semana Santa.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang mga suspek na sina alyas Joefet at alyas Jov.
Nasamsam ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Capas police sa Brgy. Aranguren, Capas mula sa mga suspek ang 120.89 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P822,052 at boodle money.
“Ang ating pangako sa pagpuksa sa ilegal na droga hindi mapipigil. Ang ating mga operatiba nananatiling matatag sa kanilang tungkulin na tiyakin ang kaligtasan ng ating mga komunidad,” ayon kay Fajardo.
Nakakulong ang dalawang suspek sa Capas police station at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.