Magsino Si Congresswoman Marissa Del Mar Magsino (2nd from left) ng Overseas Filipino Workers (OFW) Partylist na dumalaw noong Lunes sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Laguna.

Magsino nangampanya sa Laguna, siniguro balikbayan boxes mula OFWs makakarating sa mga pamilya

Gil Aman Apr 22, 2025
16 Views

NAKATUON ang mga programa ni Congresswoman Marissa Del Mar Magsino sa ikabubuti ng mga nagtatrabaho abroad.

Sa Overseas Filipino Workers Partylist kung saan siya nominee, tiniyak ng OFW Partylist Congresswoman Magsino ang paglaban para sa kapakanan ng mga OFWs sa kanyang pag-ikot sa mga bayan ng Laguna.

Binigyan diin ni Magsino ang mga balikbayan boxes na makararating sa tamang pupuntahan na pamilya ng mga OFWs.

Kung kinakailangan, mananagot ang mga ahensiya na may kinalaman sa pagkawala o nang-ipit ng mga balikbayan boxes.

Batid ni Congresswoman Magsino kung gaano kahirap ang mga manggagawa sa ibang bansa upang mapuno lamang ang balikbayan boxes na ipapadala sa pamilya.

Sinabi pa ng mambabatasna tuloy pa rin ang isinasagawa ng kanilang tanggapan tulad ng medical mission at scholarship program sa mga OFW family.