Fajardo

Nagnakaw nabuking ng parak, todas

Bernard Galang Apr 26, 2025
18 Views

NAPATAY ang umano’y magnanakaw ng pulis noong Biyernes sa isang bahay sa City of San Fernando, Pampanga.

Napag-alamang driver ang nasawing magnanakaw na nakilalang si alyas Nick, 36, ayon sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.

Lumalabas sa pagsisiyasat na sina alyas Nick at isa pang kasama umakyat sa bakod ng isang bahay sa Malinoville, Bgy. Malino.

Nakita ng mga kapitbahay na sina Antonio Zabat, 56, at anak nitong pulis na si Pat. Ray Lemuel, 29, ang dalawang lalaki na umakyat sa gate at pumasok sa bahay.

Pinuntahan ng pulis ang bahay kung saan naroroon sa loob ang dalawang suspek at nag-ingay kaya lumabas ng bahay dala ang kanilang mga ninakaw na mga gamit.

Pababa na ng gate ang dalawa nang tangkaing hulihin ng pulis.

Sinubukan ng isa na bumunot ng baril dahilan para barilin siya ng pulis at tinamaan sa tiyan, bumagsak sa lupa at namatay sa lugar at nakatakas naman ang isa pang magnanakaw.

Nasamsam sa nabaril ang ilang gadget at cellphone.